Home » Lakbay Diwa » Nasa oras lagi

Nasa oras lagi

“Success and happiness depend in a far higher degree on punctuality than many suppose. It is not sufficient to do the right thing, nor in the right way, but it must be done at the right time as well, if we would reap the rewards of our labor.”

Ang batayan ng pagtatagumpay at kaligayahan ay paggalang sa wastong oras. Hindi nahuhuli o ipinagpapaliban pa.

Sinulat ni Louis XIV: “Punctuality is the politeness of the king.” Ang mga hari ay hinubog na maging nasa oras lagi sa mga tipanan upang sila’y igalang.

Ipinahayag ni Ruth Sipkens:

“A quiet early morning can be a special appointment with the day. It is called a morning magic.”

Ikinuwento ni Ruth na madilim pa kung siya’y lumabas ng bahay upang mag-jogging. Nakita niya ang ganda ng kalikasan. Naroon ang hamog sa mga halaman. Mga ibong masasayang nagliliparan. Pag-uwi niya ay napuna niyang noon lamang nagising ang kanyang mga kapitbahay.

Narito ang istorya ni Lea, ang ina at kabiyak na modelo sa lahat ng bagay. Ang kanyang kabiyak ay isang matagumpay na negosyante.

Kapag tumawag ang kanyang mister na may darating na mga panauhin ay alam niya ang mga iluluto.

Ang alawans ng limang anak nila ay nasa limang brown envelope.

Naroon ang kanyang alawans ng kanilang mga anak at kasama na rin ang kanyang mister na pang-araw-araw na gastos.

Mayroon din siyang malaking “brown envelope” para sa mga bills at kasama na ang pambili ng grocery, bigas at dalawang sobre para sa “marketing” na ginagawa niya ng dalawang beses sa isang lingo.

Sa isang maleta o bay ay naroon ang kanyang mga “budget envelope.” Bawat lapit ng kanyang mga anak ay bukas na lamang siya ng bukas ng kanyang “budget bag.”

Sa isang malaking garapon naroon ang kanyang mga miscellaneous expenses na hindi maiiwasan. May envelope din siya para sa peryodiko at iba pa. Iyong mga anak niya sa haiskul ay ibinigay na niya ng “weekly allowance.”

Iyong kaayusan ng tahanan ay malaki ang naitutulong kay misis na laging nasa oras. May kaniya-kanyang trabahong bahay ang mga anak nila.

Higit na mainam kung lalagyan natin ng factor of safety ang ating mga iskedyul. Halimbawa, an gating tipanan sa ating kaibigang dumating mula sa States ay ikapito ng gabi. Gagawin nating itong “quarter to seven” pa lang ay nakahanda na tayo.