Home » Lakbay Diwa » Nagbago na ako, Papa

Nagbago na ako, Papa

Dear Dad,

You have always been able to read me like a book. Remember that guilty look I sometimes had? That part when I was stubborn?

And a kind of glow in my face when you and I have were having fun?

I wish I had a way to show you the feelings about all the things you have done for me over the years.

I cannot find the words to describe what I feel at this moment of time. You can find all over my face my love to you.

I love you, Papa…

Lilibeth

Matindi ang laman ng kasamang liham na nakasulat sa Pilipino.
Mahal kong Papa,

Ito ang tunay na nilalaman ng aking puso. Kalakip nito ang handog ko na inyong kaarawan.

Alam ko Papa nabalitaan mo na bumaba ang aking mga marka. Na nabarkada ako at nagkaroon ng di magagandang bisyo.

Dahil sa aking pagmamahal sa inyo ay tinalikuran ko na ang aking barkada, masasamang bisyo at pati ang boyfriend kong si Jimmy.

Umuuwi na ako sa tamang oras at mula kagabi ay nag-aaral na ako nang puspusan.

Ngunit hindi ito ang magpapasigla sa inyong puso, narito ang aking handog – Promise, Papa! Ako bilang panganay sa apat na magkakapatid ay magiging modelo ng tatlo kong mga kapatid.

At Papa ipangako mo sa akin na pag-iingatan mo ang iyong kalusugan. Aalagaan ko si Mommy.

I love you, Papa… Lilibeth

Halos hindi makahinga si Pete habang binabasa ang liham ng anak na halos itakwil ng ina dahil sa “pagwawala” nito.

Bakit nga ba nagbago si Lilibeth?

Ginawa nang lahat ni Saning ang mga paraan kung paano makaalis si Lilibeth sa masamang barkada nito.

Naninigarilyo at umiinom ng gin si Lilibeth. Ilang ulit nang ipinatawag si Saning ng adviser. Maraming reklamo ang mga titser ni Lilibeth.

May nangyari sa buhay ni Lilibeth na hindi niya malilimot. Nagpapaturo kay Lilibeth ang matalik niyang kaibigan kung paano nito wawakasan ang kanyang buhay.

Naulila si Mayette sa ama. Naaksidente ito sa Canada. Nakapamili na ito ng mga pasalubong sa kanila nang mabangga ang taksi ng sinasakyan nito. Katatapos lamang ilibing ni Berting, ideal father ni Mayette. May isang linggo nang idinating ang bangkay ng kanyang ama. Ito ang laging bulong ni Mayette kay Lilibeth.

“Ang hirap mawalan ng ama, Lilibeth. Napakahirap.”