Manila, Philippines – HINDI diretsang sinagot ni John Prats sa isang TV interview ang tanong kung totoo bang may kinalaman ang pamilya niya sa break-up nila ni Bianca Manalo. Kung anuman daw ang naging isyu sa kanilang hiwalayan, sa kanilang dalawa na lang ’yun.
Sa tanong kung sino ang pipiliin niya, pamilya o girlfriend, pamilya ang sinagot ni John. Mas importante ito sa kanya dahil matagal na niyang kasama sila. At kahit ano’ng mangyari, maaasahan niya ang kanyang pamilya, something to that effect na sabi ni John.
Mukhang may kinalaman nga ang pamilya ni John sa break-up nila ni Bianca. May tsika pang diumano’y natuwa ang pamilya niya noong nag-break sila ni Bianca.
How true, mas gusto ng pamilya ni John si Rachelle Ann Go? Remember, magkasama pang nagbakasyon sa Singapore ang kanilang respective families noong together pa sina John at Rachelle Ann. Hindi nga lang naka-join si John dahil nataong may trabaho siya.
Hindi kaya ayaw lang saktan ni John ang damdamin ni Bianca kaya di niya masabing may kinalaman ang pamilya niya sa kanilang hiwalayan? O, gusto lang niyang protektahan ang kanyang pamilya at huwag idamay sa hiwalayan nila ni Bianca? Whatever!
‘Nauntog’ na
Tuwang-tuwa ang pamilya at close friends ng isang aktres dahil “nauntog” na ito sa pakikipagrelasyon sa isang aktor. Ayon sa isang kamag-anak ng aktres, matagal na nila itong sinasabihan at pinapayuhang wala itong magiging magandang future kapag ipinagpatuloy nito ang pakikipagrelasyon sa aktor.
Iiyak lang daw at mamomroblema ang aktres kapag nakatuluyan nito ang aktor. May hindi raw magandang ugali ang aktor na ayon sa kamag-anak ng aktres, mahirap nang baguhin.
Dagdag pa ng source, mahal na mahal ng aktres ang aktor. Kahit masakit sa loob nito’y nakipaghiwalay ito sa aktor.
“Okey naman siya (aktres) ngayon,” anang source. “Nakakaya niyang harapin at tanggapin ang sitwasyon. Good thing, busy siya sa kanyang trabaho at wala siyang panahong magmukmok o mag-iiyak.”
Diktador
Isang comedy film ang handog ng United International Pictures at Solar Entertainment. Ito’y ang “The Dictator,” tampok si Sacha Baron Cohen bilang Aladeen. Six years old pa lang si Aladeen nang hirangin siyang Supreme Leader ng Wadiya sa North America. Namatay kasi ang kanyang ama sa isang hunting accident. Tinamaan ito ng 97 stray bullets at isang hand granade.
Si Aladeen ang ipinalit sa kanyang ama at naging trusted advisor niya ang kanyang uncle Tamir (Sir Ben Kingsley) bilang head ng Secret Police, chief of Security and Procurer for Women. Ayaw ni Aladeen ng demokrasya sa kanyang bansa.
Nang mapatay ang isang tauhan niya, pinayuhan siya ng kanyang uncle na magtungo siya sa New York. Hindi naging mainit ang pagtanggap sa kanya and his entourage dahil maraming nakakulong na Wadiyans doon. Abangan kung ano’ng mangyayari kay Aladeen.
***
Sa “My Daddy Dearest,” mababait ang mga taong nakakita kay Daisy kaya reunited sila ni daddy Bong. Babawi si Bong kay Daisy at nangakong pupunta sa school activity ng bagets. May ebidensiya na sina Mercedes at Maro na magpapatunay na mentally imbalance si Bong.
Sa “Makapiling Kang Muli,”napahiya si Louie kay Graciela dahil alam nitong nagpatalo lang si Martin dahil siya ang amo nito. Ikukuwento ni Martin kay Mara na sanggol pa lang siya nang iwanan siya ng kanyang ina. Kailan kaya masasabi ni Mara kay Martin na siya ang inang umiwan sa kanya?

