PRELUDE to the staging of the much awaited P3-Million 2nd Leg Triple Crown Stakes Race tomorrow, magsisilbing abregana muna this Saturday ang nakasalang na P1M Hopeful Stakes Race dito sa pista ng Saddle & Clubs Leisure Park in Naic, Cavite.
I honestly believe that this is a wise move on the part of horseracing management na paghiwalayin ang dati rating pinagsasabay na nasabing events sa iisang okasyon.
Anyways, bibistuhin natin this Saturday kung gaano na ang inumento ng walong upcoming three-year-olds dito sa makapatid na distansiyang 1,800 meters that’s 1 1/8 miles.
Ang mga declared entries dito, wala pa ang kopya, ay ang Jetblue, Ikel, Cinderella Kid, Charismatic, Isa Pa Isa Pa, Pleasantly Perfect, Spring Collection at Top Meat.
Guaranteed prizes dito ay P600,000 sa 1st placer, P225,000 sa 2nd placer, P125,000 sa 3rd placer, at P50,000 sa 4th placer plus Breeder’s purse of P30,000 to the winning LOCAL horse only.
Samantala, naging matagumpay ang pagdaraos ng two-day All Philracom Handicap Races last weekend sa San Lazaro Leisure Park in Carmona, Cavite. Nagsipagbunga ang mga ito nang magandang dibidendo sa iba’t-ibang exotic events particular na sa WTA events. Ipagpatuloy sana nila ang mga ganito kapag walang Stakes Races.
Balik sa Santa Ana kahapon (Huwebes), ang Super Six sa Race 3 ay nagbigay nang malaking premyong P99,483.00 kung saan nagtambalan ang Manila’s Queen, Friends For Never, Makisig, Moscow Vallet, Mr. Makati at Barefoot Contessa.
Ang Pentafecta naman sa Race 5, probably a winner or two, ay nagbigay ng P23,741.40 para sa nagtambalang Friendly Fire, Mr. Gee, Real Thunder, New Chapter at Manly.
At, sa popular na Winner-Take-All event, nagbigay pa ito nang malaking gantimpalang P75,650 each kung saan nagsipanalo ang tambalang Si Senor, Prince Popeye, Manila’s Queen, Gawang Pinoy, Friendly Fire, La Mallorca at Dynamic Love.
I miss you guys at the UZI and Judybelle’s OTBs sa Las Pinas especially Mang Tato, Doc Borja and the Sayaman family…Hope to see you guys soon!!…See you guys at Samson’s Billiard O.T.B!!

