Manila, Philippines – BIG challenge kina Elmo Magalo na at Julie Anne San Jose ang bagong project na ipinagkatiwala sa kanila ng GMA-7. Sila ang mga bida sa “Together Forever“ na kapalit ng “Reel Love Presents: Tweenhearts.“
Dumalaw kami sa first taping day ng TF sa Siena College, Taytay, Rizal at anila, pressured at excited sila sa bagong project nila.
“This is a new stuff for me,“ ani Elmo. “Consistent ang high ratings ng `Tweenhearts’ mula umpisa hanggang katapusan nito. Naka-87 episodes ito at almost two years sa ere.“
Ayaw isipin ni Elmo na gano’n ding katagal ang aabutin ng “Together Forever.“ Basta gagawin daw nila ang kanilang best para mapaganda at magustuhan din ng televiewers ang kanilang show.
Napi-pressure ba siya sa gustong mangyari ng fans nila ni Julie Anne na totohanin na nila ang kanilang screen love team?
“Ayaw naming pilitin ni Julie na maging kami na. Hindi namin ‘yun napag-uusapan. Baka maging awkward pag pinilit namin para lang sa fans namin.“
Isyu
For the nth time, itinanggi ni Elmo na girlfriend niya ang Kapamilya star na si Lauren Young. Aniya, close friends ng mga kapatid niyang sina Maxene at Saab sa magkapatid na Megan at Lauren. “Once in a while, sumasama ako sa mga lakad nila kaya nakikita kaming magkasama ni Lauren. Wala talagang namamagitan sa amin,“ pahayag ni Elmo.
O, siya, sige na nga!
Sayang at nakalimutan naming itanong kay Elmo kung totoo bang hindi nila kinikilalang kamag-anak si Hiro Magalona na kasama sa “Reel Love Presents: Tweenhearts.“
Nasabi ito ni Hiro noong nainterbyu namin siya sa set ng RLPT. Dinededma raw siya nina Elmo, Maxene at Saab kapag nagkikita sila sa “Party Pilipinas.“ Ayaw raw ipagamit sa kanya ni Pia Magalona (Elmo’s mom) ang apelyidong Magalona.
May presscon this week ang “Together Forever“ at sana lang, invited kami para matanong namin si Elmo sa isyu sa kanila ni Hiro.
Sa Sunday (June 17) ang pilot episode ng “Together Forever“ after “Party Pilipinas“ sa GMA-7.
Walang pilitan
Overwhelmed si Julie Anne na sila ni Elmo ang headliners sa “Together Forever.“ Aniya, pressured sila ni Elmo dahil mataas ang expectations ng Kapuso Network sa kanilang screen love team kaya binigyan sila ng big project.
“Kailangan naming patunayan na kaya naming pantayan, hindi man, malampasan ang naabot ng `Tweenhearts.’ Flattered and honored kami sa malaking tiwala ng GMA sa screen love team namin.
“Nakakatuwa at nakakataba ng puso na kinikilig ang fans namin, makita lang na magkatabi kami ni Elmo. May magic sa kanila ang chemistry namin. Ayokong magpa-pressure sa gusto ng fans na maging kami in real life. Ini-enjoy lang namin ang comi pany ng isa’t isa. Walang pilitang l magkaroon kami ng personal re lationship dahil ‘yun ang gusto ng fans namin,“ pahayag ni Julie Anne. Tama!
***
Mamaya sa “Makapiling Kang Muli,“ malulungkot si Martin (Richard Gutierrez) at halatang mag seselos sa pagdi-date nina Louie (Mark Anthony Fernandez) at Leilani (Carla Abellana). Hahalikan ni Louie t si Leilani pero tatanggi ito. Mamar magitan si Martin at magrarambulan sila ni Louie.
Magagalit ang dalaga kay Martin at sisisihin ito. Kung hindi raw siya nito pinilit makipag-date kay Louie, hindi siya mababastos.
Dahil sa illegal logging ng mga i Silvestre, babahain ang rancho Paradiso. Susugod ang taong-bayan sa pamilya Silvestre at magpo-pro testa.
Incoming search terms:
- latest news in taytay rizal (2)

