
Manila, Philippines – SAYANG naman kung aalisin si Alex Gonzaga bilang host ng “Juicy.” Asset siya sa naturang showbiz talk show ng TV5. Nakakalevel-up siya sa co-hosts niyang sina Cristy Fermin, IC Mendoza, Shalala at Divine Lee.
From what we heard, gusto raw ng management ng Kapatid Network mag-focus si Alex sa acting para gawin siyang drama actress.
Nabigyan na si Alex ng isang teledrama sa TV5. Although she delivered well, mas nakatatak sa isipan ng publiko ang pagiging host niya.
Carry naman ni Alex maging TV host-actress. Huwag na sanang ipagkait sa kanya ng Kapatid Network ang pagkakataong mas masanay pa at gumaling siyang TV host. Magagamit ni Alex ang hosting talent niya sa mga event ng TV5.
Ang dapat ikunsider ng management ay ang kahilingan ng viewers ng “Juicy” na baguhin ang time slot nito. Madaling-araw na kasi (12:30 a.m.) umeere ang naturang talk show. Antuk-antukan na ang mga tagasubaybay nito. Umaapela sila sa management na agahan naman ang airing nito para hindi sila napupuyat sa panonood nito.
Oo nga naman! Paging TV5.
Pinag-aaralan
Hindi palalampasin ng TV5 ang nangyaring insidente sa “Paparazzi Exposed” noong nakaraang Sabado (June 23).
Pinag-aaralan ng management ang mga naging kaganapan kaugnay ng claim ni Ruffa Gutierrez na binastos siya sa naturang programa. Birthday celebration pa naman niya sa naturang showbiz talk show.
Na-offend diumano si Ruffa sa mga tanong na nalaman ng publiko nang i-tweet ang mga ito ng kanyang mommy Annabelle Rama. Bunga nito, nag-desisyon si Ruffa mag-resign sa “Paparazzi Exposed.”
Ayon sa management ng TV5, gagawa sila ng kaukulang hakbang kaugnay ng nangyari kay Ruffa.
Ayon naman sa isang co-host ni Ruffa, bago sila umere ay nagkaroon sila ng briefing tungkol sa “Bulong ng Palad” segment ng kanilang show kung saan tatanungin nila si Ruffa. Kaharap daw nila ang writers at production staff.
Getting closer
Hindi lang si Richard Gutierrez ang nahihilig mag-instagram kapag nasa taping ng “Makapiling Kang Muli.” Pati pala si Sarah Lahbati. Nag-post ang dalaga sa kanyang instagram account (@sarahlahbati) ng pictures nila ni Richard na kinunan niya sa taping ng MKM na makikita n’yo sa kolum na ito.
May tsika pang diumano, getting closer ang dalawa sa taping. Owwsss? Hindi naman ikinakaila ni Sarah na crush niya si Richard at dream come true na nakatrabaho niya ang aktor sa MKM.
May kilig factor ang chemistry ng dalawa sa mga eksena nila sa MKM. They look good together on screen. Kung off-screen ay nagkakalapit na diumano sina Richard at Sarah, on screen naman, sa mga susunod na episodes ng MKM ay iiwasan na ni Martin (Richard) si Graciela (Sarah) dahil ayaw niyang manulot ng girlfriend. Masasaktan ang dalaga at masasampal niya si Martin.
Incoming search terms:
- sarah lahbati richard gutierrez (30)
- sarah labhati pregnant (2)

