Manila, Philippines – PATI ang mommy nina Ara Mina at Cristine Reyes, hindi naramdaman ang sincerity ng huli nang mag-apologize ito sa kanyang ate Ara on national television. Ayon kay Ara, walang ibang nakakakilala kay Cristine kundi siya, ang mommy nila at ang pamilya nila.
“Kilala ko ang pagkatao ng kapatid ko. Alam ko kung sincere siya o hindi,“ said Ara sa isang interbyu.
Sabi pa ni Ara, nasasaktan siya para sa kanilang mommy. Nahihirapan ito sa sitwasyon nilang magkapatid. Nawiwindang siya sa mga ginagawa ni Cristine. Iba ang tinetext nito sa kanya, kesa sa ginagawa nito.
Ani Ara, wala nang pinapakinggan si Cristine kaya dinaan na niya sa legal action para maturuan ito ng leksiyon. Alam niyang hindi magandang nagdedemandahan ang magkapatid. Pero sino pa raw ba ang magdidisiplina kay Cristine, kungdi silang kapamilya nito.
Plastik
Ayon pa kay Ara, hindi matigas ang kalooban niya. Wala na ang galit niya kay Cristine. Gusto lang niya itong disiplinahin. Kaya lang hindi niya naramdaman ang sincerity nito sa pag-apologize.
“Mahal ko ang kapatid ko. Walang halong kaplastikan ang suporta ko sa kanya. All these years, kaplastikan lang pala ang ipinakita niya sa akin. Hindi ko kayang saktan ang kapatid ko. Never ko siyang sinampal o sinabunutan.“
Sa sinabi ni Cristine na kung gusto ni Ara ay luluhod pa siya, mapatawad lang siya ng kanyang ate, heto ang sabi ni Ara: “Hindi ako Diyos para luhuran. I hope, maging instrumento ako ni God para turuan siya ng leksiyon.“
Palagay ba niya, may nag-utos lang kay Cristine para mag-apologize on national TV?
“I don’t care kung sino ang nag-utos. Ang pagpapatawad ay ibinibigay lang sa mga taong sincere sa paghingi ng tawad,“ wika ni Ara.
Nagselos sa pinsan
Aliw kami sa blind item ni Arnold Clavio sa programa nila ni Mike Enriquez sa DZBB. Tungkol ‘yon sa isang showbiz couple na hiwalay na ngayon.
Tsika ni Arnold, pupunta sana ang mga ito sa Amanpulo, Palawan para magbakasyon. But then, on the night before magpunta ang couple na ito ay nagaway sila kaya hindi natuloy ang trip nila kinabukasan.
May affair sa house ng pamilya ng aktor at siyempre, ‘andun ang girlfriend nitong aktres. Nagselos ito sa isang babaeng matagal isinayaw ng aktor. ‘Yun pala, pinsan ito ng aktor na hindi agad nito naipakilala sa aktres.
Para mahulaan ni Mike kung sino ang blind item ni Arnold, nagpatugtog ng mga kanta. Isa ‘yung “You Are the Sunshine of My Life“ na dinugtungan ni Arnold ng salitang “na.“ Pagkatapos ay pinatugtog ang isang kanta ni John Lennon ng Beatles.
“JL? As in John Lloyd Cruz?“ hulang sabi ni Mike.
Ang sunshine naman na karugtong ang salitang “na,“ tunog Shaina (Magdayao), di ba? ‘Yun na! Getz din namin kung sino ang ex-sweethearts na blinaynd item pa ni Arnold. Tsismoso rin ang batikang broadcaster. Joke! Joke! Joke!
Top 14
Patuloy ang international success ng pelikulang “The Road“ ng GMA Films. Napasama ito sa iTunes List of Top Horror Movie Sales as of June 25. Ini-release ang naturang pelikula sa United States last May 11 at naging pang-labing-apat ito sa top thriller movie sales sa iTunes.
Ang “The Road“ ay lumikha ng milestone sa history ng Philippine Cinema bilang unang pelikulang Pilipino na nagkaroon ng commercial screening sa North America. Tampok dito sina Rhian Ramos, Marvin Agustin, Barbie Forteza, Derrick Monasterio at Lexi Fernandez. Directed by Yam Laranas.

