Dear Tita Belle,
Noong Pebrero ay kasama ako sa naalis sa trabaho. May kaunti akong naipon kaya naitataguyod ko pa ang aking pag-aaral hanggang noong Marso sa darating na Hunyo ay nasa ikaapat na taon na ako sa kursong Bachelor of Science in Accountancy. Nangako ako sa namatay kong ama na ako ang magtataguyod sa dalawa kong nakababatang kapatid hanggang makatapos sila. Ang aking ina ay nahihirapang pagkasyahin ang kinikita niya sa pagtitinda ng mga gulay sa maliit na puwesto sa palengke na pag-aari ng aking ninang.
Sa aming kalagayan napagtanto ko na kailangang makatapos ako upang maiahon ang aming pamilya sa kahirapan. Kaya naghanap ako ng trabaho bilang sales lady sa isang sari-sari store. Sa araw nagtatrabaho ako at sa gabi ay nag-aaral. Si Kelly ay nakilala ko dahil kaibigan siya ng aking pinsan. Nanliligaw siya sa akin at nag-alok na tutulungan ako sa aking pag-aaral kung magsasama na kami. May inuupahang apartment si Kelly at doon daw niya balak akong itira. May mga bisyo si Kelly tulad ng pag-inom at paggamit ng pinagbabawal na gamot.
Tisha
Dear Tisha,
Mahirap pikasamahan ang lalaking may mga bisyo lalo na kung nagda-drugs siya. Huwag mong isugal ang iyong sarili kay Kelly dahil isang kasalanan ang pasukin ang relasyong ipinagbabawal ng Diyos, ang pagsasama ng walang basbas ng Panginoon, ito ang kasal. Hindi lang ang pagtanggap sa alok ng iyong manliligaw ang kasagutan saiyong suliranin upang maipagpatuloy ang iyong pag-aaral na hindi ka na kailangang magbanat ng buto.
Walang sariling pinagkakakitaan si Kelly at umaasa pa rin siya sa kanyang magulang. Kahit mayaman ang kanilang pamilya magtataka ang mga magulang niya kung bakit dumoble ang kanilang hinihinging panggastos.
Maraming dahilan o kasinungalingang sasabihin si Kelly sa magulang niya upang maibigay ang perang panustos saiyong pagaaral. Magiging komplikado ang buhay na susuungin mo sa piling ni Kelly. Maaaring magbunga ang pagsasamang gagawin ninyo at dagdag pasanin ito saiyo dahil nag-aaral ka pa.
Ang sanggol ay isang biyaya sa Panginoon kung ito ay isinilang sa tamang pagkakataon sa mga mag-asawang binasbasan ng Panginoon. Ngayong panahon ng bakasyon ay maghanap ka ng trabaho. Magdasal ka at humingi ng tulong sa Maylikha upang hindi ka mapariwara. Alam Niya ang ating saloobin at mga mabubuting hangarin natin sa buhay.
Tita Belle
Incoming search terms:
- tulong at kapalit (2)
- ang mabubuting saloobin (1)

