Manila, Philippines – SUMMER special episode ng “Reel Love Presents: Tweenhearts“ ang inabutan naming kinukunan sa La Virginia Hotel & Resort sa Mataas na Kahoy, Batangas. Sa swimming pool ang eksena at naka-bathing suit ang female Tween stars at naka-board shorts ang male Tween stars.
Noong nag-breaktime, nakausap namin at ng ilang kasamang entertainment writers ang mga bagets. ‘Kaloka, ‘kaaliw na kung anik-anik lang ang napag-usapan.
Magka-holding hands sina Kristoffer Martin at Joyce Ching na ayaw maghiwalay habang kausap namin. Todo-tanggi naman na sila na. Charing! Eh, action speaks louder than words. Halata sa kanilang mga body language na hindi merely friendship lang ang namamagitan sa kanila.
Inasar pa ni Kristoffer si Joyce na ang laki raw ng tiyan nito sa twopiece swimwear na suot kahit may nakapatong pang manipis na tela. Pangiti-ngiti lang si Joyce.
“Pero mahal ko ang imperfections ni Joyce,“ bawi ni Kristoffer.
Muscle-muscle-an ang mga braso ni Kristoffer at aniya, naggi-gym siya.
Ready na ba siyang mag-sexy pose sa magazine?
“Kailangan may blessing ni Joyce,“ aniya.
“Care ko sa ‘yo!“ buwelta ng tsinitang Tween star.
Mag-asaran ba? Ang mga bagets talaga!
Sweet-sweetan
‘Kaloka ang pa-effect nina Hiro Magalona at Kim Komatsu. Nagsubuan sila ng french fries. Hindi nagpatalo sina Kristoffer at Joyce. Nagsubuan din sila ng Nagaraya peanuts. Umeksena rin sina Derrick Monasterio at Kylie Padilla. Nagsubuan naman sila ng noodles na kinakain ni Kylie. Sila-sila ang magkaka-love team sa RLPT.
Nakasalang sa harap ng kamera ang magkaka-love team na Barbie Forteza at Joshua Dionisio, Jake Vargas at Bea Binene kaya hindi sila nakasali sa pa-sweet-an ng kapuwa nila Kapuso Tween stars.
Tinanong namin si Derrick kung wala ba siyang balak ligawan si Kylie.
Sabi niya, “Ayaw ni Aljur (Abrenica). Joke! Ayaw naman sa akin ni Kylie.“
“Umpisahan mo na kasi ang panliligaw,“ paghahamon naman ni Kylie.
Nang tanungin namin kung sino ang pinakamakulit, si Derrick ang itinuro ng Tween barkada. Pinaka friendly rin ito. Ito rin ang pinaka-chickboy, panlalaglag pa ng grupo.
“At least, hindi ako bading,“ sey ni Derrick.
Samantala, sa episode mamaya ng “Reel Love Presents: Tweenhearts,“ excited ang Tween barkada sa kanilang graduation, maliban kay Chris (Kristoffer Martin) dahil may financial problem siya. Wala siyang pambayad sa graduation rites. Gagawin lahat ni Josh (Joshua Dionisio) para patawarin siya ni Bambi (Barbie Forteza). Lie low sa pagdi-date sina Jacob (Jake Vargas) at Belinda (Bea Binene). Mahulog na kaya ang loob ni Mira (Julie Ann San Jose) kay Jacob?
And more
Na-inspire ang mga dumalo sa Bible sharing na isinagawa ni Rep. Manny Pacquiao sa GMA Network Studio. Exclusive ‘yon para sa employees at executives na pinangunahan ng chairman at CEO na si Atty. Felipe Gozon. Ibinahagi ni Pacman kung paanong sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos ay nagawa niyang talikuran at baguhin ang kanyang lifestyle….
Si Justin Timberlake ang tampok sa “Biography“ na mapapanood sa GMA News TV Channel 11 at 11 pm. Tunghayan ang kanyang success story. At the age of 14, nag-join siya sa bandang N’Sync hanggang nagkaroon siya ng solo singing career.
Incoming search terms:
- Joyce ching bikini (23)
- Joycec Ching (2)
- Joyce ching in bikini (1)

