Home » Timing » Pagiging isang mabuting anak, susi ng tagumpay, say ni mayor

Pagiging isang mabuting anak, susi ng tagumpay, say ni mayor

Manila, Philippines – “NAGING mabuting anak ako, kaya umunlad ako,” pahayag ng businessman-politician na si Mayor Enrico Roque ng Pandi, Bulacan. Siya ang may-ari ng Bodega ng Bayan na merong 39 branches sa Luzon. Siya rin ang may-ari ng Amana Resort & Water Parks (ARWP) sa Bagong Barrio, Pandi, Bulacan na paboritong summer destination ngayong tag-init.

Marami siyang nakilala at naging kaibigang miyembro ng movie press sa pamamagitan ng friend niyang TV host-columnist na si Cristy Fermin.

Ani Cristy, tinanong siya ni Mayor Enrico kung paano niya mapasasalamatan ang movie press na sumuporta sa kanya noong nagsisimula pa lang siya sa kanyang Bodega ng Bayan hanggang nagkaroon siya ng Amana Resort & Water Parks, hanggang pinasok na rin niya ang mundo ng pulitika.

Until now, patuloy pa rin ang suporta sa kanya ng movie press.

He turned 39 on April 16 at nagkaroon siya ng birthday celebration cum thanksgiving party for the movie press. Nag-treat siya sa Amana Resort & Water Parks last April 18 kung saan nagpa-lunch at dinner siya with matching parlor games and raffle. Blessed kami na nag-win ng grand prize, 32 inch LCD TV. Nagpa-raffle rin ng washing machine, DVD player, electric fans, bread toasters, comforters, etc. May loot bag pa na may lamang beach towel, throw pillow at delicacies ng Pandi, Bulacan. Namigay rin ng Amana t-shirt. Nag-enjoy rin ang movie press sa pagsu-swimming.

Dream come true
Highly recommended namin ang ARWP na 6.4 hectares at nag-expand pa ito ng 4.8 hectares dahil nabili ni Mayor Enrico ang katabing lote na aniya’y may sentimental value sa kanya. Nakatanim doon ang puno ng Sampaloc na dati niyang pinagpipitasan ng mga dahon at inilalako niya ang mga ’yon sa palengke para magkaroon siya ng baon sa eskuwela.

Aniya, dream come true na napasakanya ang naturang lote sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiyaga.

Pitong swimming pools, may kiddie pool at wave pool, ang mapagpipilian sa ARWP. Meron pang carousel ride, horse back riding at zip line na 140 ft. or more. Ayon kay Mayor Enrico, tallest ito at inspired sa Empire Estate building sa New York. Nagkalat sa paligid ng ARWP ang malalaking estatwa ni Superman, Wonder Woman at iba pang super heroes. Meron ding Kingkong, Kungfu Panda, etc.

Isang successful businessman si Mayor Enrico. Aniya, ang mga kaalaman niya sa pagpapatakbo ng negosyo ay ini-a-apply niya sa pagiging politician niya.

“Kung paano mo minamahal ang negosyo mo, ganoon din dapat sa pulitika na minamahal mo ang constituents mo. Iniingatan, inaalagaan sila. Pangarap kong mabigyan ng trabaho ang mga Pandienos. Meron akong 300 to 400 employees dito sa Amana.

Susi ng tagumpay
Hiwalay ang parents niya at lumaki silang magkapatid sa poder ng kanilang ina. Nagkaroon ng ibang pamilya ang kanilang ama at may half-siblings siya. Pero never siyang nagtanim ng galit o sama ng loob sa kanyang ama, ani mayor.

Ang pagiging mabuting anak ang naging susi ng tagumpay ni Mayor Enrico. He was 27 years old noong una siyang nakahawak ng P1 million through hard work. Aniya, ninamnam niya ang halagang ’yon for two days bago niya idiniposito sa bangko.

Now that he’s 39 years old, we can just imagine kung ilang milyones o bilyones na ang kinikita ni Mayor Enrico na nananatiling mapagkumbaba at matulungin sa kanyang kapwa. Truly inspiring ang kanyang rags-to-riches story.

Incoming search terms:

  • isang mabuting anak (3)
  • ang pagiging mabuting anak (2)
  • ang mabuting anak (1)
  • PAGIGING MATULUNGIN (1)
  • pagiging isang mabuting anak (1)
comments