There is an EYE that never sleeps,
beneath the wings of the night.
There is an EAR that never shut,
when darkness sinks the beam of light.
There is an ARM that never tires,
when human strength gives way.
There is a LOVE that never fails,
when earthly love decays.
Sinulat ni George Matheison ang maikling tula sa itaas. Hindi tayo pababayaan ng Diyos lalo na kung napakabigat ng ating problema.
Lahat ng tao ay may suliranin sa buhay, kaya lamang ay iba’t ibang uri at bigat ang mga ito.
Kung mula noong una ay pawang buti ang ating ginagawa ay pambayad iyon sa ating problema na tiyak na darating.
Sa paggising natin sa umaga ay magpasalamat tayo sa Poon kung paano tayo makatutulong sa mga kaawa-awa. Kung paano natin mapaliligaya ang mga walang-wala.
Pinagkalooban tayo ng sangkap sa katawan na magagamit natin sa pagtulong. Tinig na nagbibigay ng inspirasyon sa mga may sakit. Ngiti na nagpapaalis ng kirot sa dibdib. Ang yakap at hagod ay sapat nang makaaliw sa mga bagsak sa problema.
Narito ang isang istorya tungkol kay Pamela. Biyuda na si Pamela at iisa ang anak na dalagita na.
Iyong naiwan ng kanyang kabiyak ay ginawa niyang apartment.
May dalawampung apartment ang nakapaligid sa malaking compound na tinitirhan ni Ma’am Pamela. Bukod sa mga apartment na ito ay nakamana si Pamela ng maliliit na apartment na pawang mahihirap ang nakatira. Kalahati sa kanila ay hindi makabayad.
Ipinasya ni Ma’am Pamela na huwag nang singilin ang umuupang mahihirap. Walang trabaho ang kanilang mga mister.
Nagpagawa si Ma’am Pamela ng Day Care Center upang maalagaan doon ang mga anak nilang maliliit. Mayroon din siyang nursery at kinder. Pawang walang bayad ang mga ito.
Ang lahat ng mga ito ay tanim ni Ma’am Pamela na madadala sa langit.
Hindi kataka-taka na makuha ni Jennifer, kaisa-isang anak ang mga katangian ng kanyang ulirang ina.
Incoming search terms:
- tula tungkol sa inspirasyon (33)
- tula para sa inspirasyon (16)
- talata tungkol sa inspirasyon (1)

