Home »Local »US-based Pinay actress honored, juggles acting, cooking for stars

US-based Pinay actress honored, juggles acting, cooking for stars

 

By NITZ MIRALLES

Manila, Philippines –DUMATING sa bansa ang US-based actress na si Liza Dino para tanggapin ang award niya mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), ang “Ani ng Dangal,” na ibinigay noong February 28 sa Malacañang Palace. Kabilang si Liza sa 32 artists from different fields na kinilala ang talino at kontribusyon sa arts.

Kasamang dumating ni Liza ang four-year-old daughter na si Amara, her first child with her Fil-Am husband. Sa Glendale nakatira sina Liza, kahit maganda ang trabaho sa Spago Beverly Hills, ang flagship resto ng Wolfgang Puck Fine Dining owned by Chef Wolfang Puck. As an aspiring chef, hindi pa rin nito nakakalimutan ang pag-arte.

Habang nasa Amerika, ginawa ni Liza ang “Imelda and Gunther” sa direction ni Ramona Sanchez. Siya ang gumanap sa role ng delusional Imelda Marcos. Ang latest film project nito ay ang “In Nomine Matris” to be released this year.

Filipiniana-Flamenco dance movie ang description sa movie under the direction of Will Fredo. Malaking tulong kay Liza na flamenco dancer siya in real life. Nag-aral siya under the renowned flamenco dancer Clara Ramona at naging dancer siya ng Clara Ramona and Company.

Kasama rin sa cast ng “In Nomine Matris” si Clara Ramona, Italy trained opera singer Al Gatmaitan, Biboy Ramirez at Philippine theater actress Tami Monsod.

Samantala, ipinakita ni Liza sa amin sa kanyang celfone ang bagong salad recipe na gagawin nila sa Spago. Natawa ito sa comment naming parang sa Food Channel ang nakita naming preparation dahil maganda.

Kuwento ni Liza, nag-apprentice siya sa Spago Beverly Hills after her culinary studies sa Le Cordon Bleu of Culinary Arts at kinuha siya nang matapos ang apprenticeship.

“I put up the first course, salad and appetizer. Nag-dine na sa Spago sina Oprah Winfrey, Andrea Bocelli, Arnold Schwarzenegger at iba pang Hollywood celebrities. Na-miss ko ang Oscars this year dahil umuwi ako, pero kasama ako sa nag-put up ng menu, sa planning at plating. Usually, two weeks ang preparation for the Oscars,” kuwento nito.

Liza completed a certificate program in Culinary Arts sa Le Cordon Bleu of Culinary Arts. Sayang at hindi siya nakapag-guest sa any cooking show dito. Pabalik na siya ng Amerika sa March 17.

Sa tanong kung bakit hindi niya matalikuran ang pag-arte, “I’m an actor first. I’m a working artist, I’m not big, but I’m happy with the projects I make. Fulfilled at sasaya ako if I can marry cooking and acting,” sagot ni Liza.

comments