Home » Timing » Aiza’s ex-GF Chen speaks up about their break up

Aiza’s ex-GF Chen speaks up about their break up

Manila, Philippines – NAKAUSAP namin si Chen Sarte, ex-girlfriend ni Aiza Seguerra, sa presscon cum album launch ng bago nitong talent na si Cathy Go na ginanap sa isang chicken house sa Timog Avenue, QC. Tinanong namin si Chen tungkol sa break-up nila ni Aiza.

Totoo bang ang “Protégé” winner na si Krissa Neri ang dahilan?

“Siya (Aiza) na lang ang tanungin n’yo,” sabi ni Chen. Hindi rin niya sinagot kung totoo bang pinagselosan niya si Krissa.

Basta aniya, seven years sila together ni Aiza bilang magkarelasyon at bilang talent-manager. Si Chen ang tumayong manager ni Aiza. Sobrang thankful daw siya kay Aiza dahil if not for her, hindi siya makikilala bilang talent manager.

Sabi pa ni Chen, kahit nagkakaroon sila ng LQ (lover’s quarrel) which is normal sa isang magkarelasyon, never naapektuhan ang trabaho nila ni Aiza. Parehas silang professional at kaya nilang ihiwalay ang personal relationship nila.

Walang bitterness
“Hindi naman talaga maiiwasang magkatampuhan kayo. Hindi rin maiiwasang darating kayo sa puntong hindi na pwedeng mag-workout ang relasyon n’yo. Nag-usap naman kaming mabuti ni Aiza noong nag-break kami,” words to that effect na pahayag ni Chen.

Aniya, may closure sila at civil sila sa isa’t isa. Ayaw niya ‘yung mag-iisanaban o mag-aaway sila if ever by chance ay magkita sila. Walang bitterness kay Chen. Aniya pa, okey lang sa kanya na magkatrabaho sila muli ni Aiza. Wala siyang sinabing masama about her ex-partner.

Late last year sila nag-break. Ani Chen, marami silang happy memories ni Aiza na hindi gano’n kadaling kalimutan. Nami-miss niya si mommy Caring (Aiza’s mother) na ipinagluluto pa sila noon. Nagte-text pa rin sila ni mommy Caring hanggang ngayon, ayon kay Chen.

Debut album
Tungkol naman kay Cathy Go, nakilala ito ni Chen sa isang concert noon ni Aiza kung saan nag-perform ito. Ani Chen, na-impress siya sa galing kumanta ni Cathy. Dati itong lead singer ng Sopiz band. She was 9 years old noong nag-umpisa siyang sumali sa mga singing contest. She’s 19 now and after six years, may debut album na rin siya. Titled “Find My Way to You,” under Mayumi Records na si Mike Villegas ang producer. Twelve love songs ang nakapaloob sa album na ang carrier single ay “Ayaw Na Kung Ayaw,” composed by Mike. Other songs are “Ngayong Gabi,” “Start Kissing,” “Find My Way to You,” “Cupid,” “Atin Lang Ito,” “Sana Bumalik,” etc.

Catch Cathy perform live every Monday and Saturday sa Chicboy (Timog). Four years na siyang kumakanta roon. We were there last Monday night (March 19) at jampacked ang venue sa rami ng gustong mapanood si Cathy.

Nagpa-presyo?
How true, nagpa-presyo ang isang aktor sa mother studio nito, kaya hindi na ito lilipat sa ibang network?

Ganyan naman ang strategy ng mga artista kapag natapos ang kanilang kontrata. Nagpapa-press release na may offer ang ibang network. Nagpapataas ng presyo. Sey ng source, nag-iisa lang sa kanyang kategorya ang aktor, kaya hindi ito pinakawalan ng mother studio nito. Rater din ang aktor at kumikita ang mga pelikula nito.

And more
Mamaya sa “Alice Bungisngis and her Wonder Walis,” bago pa tuluyang bumalik sa dating anyo, matatakasan ni Alice si Spade. Magtataka si Ace sa suot na gown ni Alice dahil hindi ito ang ibinigay niya. Isasayaw niya si Alice, pero maaalala nito si Spade at kikiligin. Sa utos ni Esmeralda, kikidnapin nina Tim at Tom si Hilario at ihuhulog sa bangin…. Sa “Legacy,” tuloy ang photoshoot ni Diana. May hawak nang impormasyon ang private investigator ni Natasha. Sa meeting ng Lala, magkakasagutan at magsisigawan sina Diana at Iñigo.

Incoming search terms:

  • chen sarte (244)
  • chen sarte new girlfriend (132)
  • aiza seguerra new gf (70)
  • aiza and chen break up (55)
  • krissa neri (44)