Manila, Philippines – “WALEY!” (as in wala) ang mabilis na sagot ni Joyce Ching when asked kung ano’ng Valentine gift sa kanya ni Kristoffer Martin. Nasa house lang daw siya at ang kanyang pamilya ang kasama niya noong Valentine’s Day.
Nasa Olongapo naman si Kristoffer at pamilya rin niya ang kasama niyang nag-celebrate ng V Day. “Basta may okasyon, dapat pamilya ko ang kasama ko. ’Yun ang nakaugalian namin simula noong bata pa ako,” palusot naman ni Kristoffer nang nakausap ng Tempo sa taping ng “Reel Love Presents: Tweenhearts” somewhere in Fairview, QC.
Aniya, one year na ang identical friendship ring nila ni Joyce noong Feb. 14 at hindi niya tinatanggal ’yun sa kanyang daliri. So, ano nang level ng friendship nila? “Getting-to-know-you pa rin. Ang hirap kasing kilalanin ni Joyce. Malalim siyang tao at parang marami pa akong dapat tuklasin sa kanya.”
Sey pa ni Kristoffer, ayaw niyang spoil-in si Joyce na parati niyang binibigyan ito ng something. Last year before Christmas ay binigyan niya ito ng gitara. Nabigyan na rin niya si Joyce ng friendship ring, bracelet at relo.
Noong nakaraan nitong 17th birthday (Jan. 5), sinorpresa niya ang Tween star sa taping ng RLPT. Kinutsaba niya sina Jake Vargas at Derrick Monasterio na haranahin nila si Joyce. Binigyan pa niya ito ng bouquet of flowers with matching chocolates.
Ano’ng nagustuhan niya kay Joyce? “Unique siya. Iba siya talaga at hindi ko pa siya totally kilala. Parang misteryosa siya kahit close na kami. Tahimik lang siya. Mahirap siyang suyuin. Hard to get at natsa-challenge ako. Hindi siya maharot o papansin gaya ng ibang babae. Kahit naka-shorts siya, hindi siya bastusin. Disente pa rin siyang tingnan.” (Rowena Agilada)
Incoming search terms:
- kristoffer martin and joyce ching latest news (2)
- kristoffer martin on joyce ching (1)

