Home »Timing »Enzo’s butt baring shocks Louise

Enzo’s butt baring shocks Louise

 

Manila, Philippines –ALDEN Richards is praying so hard na makasama siya sa red carpet premiere ng “The Road“ on May 9 sa LA Live! Theater sa Los Angeles, California, USA. Inaayos pa ang passport niya at kapag nagkataon, first time niyang makakapunta sa USA.

First horror movie ni Alden ang “The Road“ kung saan isang psycho-killer ang role niya. Aniya, super thankful siya sa GMA Films na isinama siya sa cast.

“Happy and proud ako na nagkaroon ako ng contribution sa pelikula. Hindi ko na-imagine na gano’ng kalaki ito at magkakaroon ng international screening sa mainstream cinemas sa USA at Canada. Sobrang nakakakilabot,“ pahayag ni Alden noong presscon ng “The Road.“

At the rate things are going sa kanyang career, wish ni Alden na magtuluy-tuloy na ito. ‘Heard, ginu-groom siya para maging next important leading man ng Kapuso network. Why not? May K (as in karapatan) si Alden. Mai-push lang nang husto ang kanyang career, chances are, he’ll go a long way.

Napapansin na nga ang portrayal niya sa “My Beloved.“ Ani Alden, super thankful siya sa GMA na binigyan siya ng primetime show. Magandang exposure raw ‘yon sa kanya.

Sizzling idol
Sizzling idol ang tawag ni Louise de los Reyes kay Alden. Sexy raw kasi ang billboard nito na parati niyang nakikita sa EDSA kapag dumaraan siya. Bini-build up ng GMA ang love team nina Alden at Louise at magkasama na naman sila sa “The Road.“ Wish nilang makasama sila sa red carpet premiere nito sa USA.

Sa presscon ng naturang movie ay “naglaglagan“ pa ang dalawa. Sabi ni Alden, kahit payat-payatan si Louise ay malakas itong kumain.

“Ikaw din naman, ah!“ buwelta ni Louise. “Titingnan n’yong seryoso si Alden pero kalog at maloko siya. Baliw ‘yan at nasasakyan niya ang mga trip ko. Parehas lang kami (laughs),“ ani Louise.

Kung wala kaya siyang Enzo Pineda, posible kayang ma-develop siya kay Alden?

“Hindi siya mahirap mahalin at nagkakasundo kami sa maraming bagay,“ sey ni Louise.

Di pa carry
Ano ang pasalubong ni Enzo kay Louise? Nag-show ito sa Switzerland with Sarah Lahbati and Derrick Monasterio.

Jacket na binili nito sa Paris ang pasalubong sa kanya ni Enzo, ayon kay Louise. Ininggit nga raw siya ni Enzo at ipinakita ang videos na kuha nito sa Switzerland at Paris.

“Gustung-gusto ko pa namang makarating sa Paris,“ ani Louise na may kakaibang kislap ang mga mata basta napag-uusapan si Enzo. Obvious na inlabey (so much in love) ang dalaga.

Nabanggit pa ni Louise na kasama si Enzo sa pelikulang “My Kontrabida Girl“ na tinatampukan nina Aljur Abrenica at Rhian Ramos. May butt exposure raw si Enzo na ikinagulat niya kahit ipinaalam pa ‘yon nito sa kanya bago kunan ang eksena.

Eh, siya ba, willing magpa-sexy sa FHM o pelikula?

“Ayoko! Hindi ko pa kayang magtwo-piece. Kapag nagbi-beach nga ako, naka-shorts ako (laughs),“ sey ni Louise. Hindi rin daw niya carry makipag-kissing scene sa TV o pelikula kahit si Enzo pa ang kapareha niya.

“I’m only 18 at siguro, pag 21 or 22 na ako. Depende sa treatment ng eksena.“

***
Congratulations sa GMA sa panalo ng ilang awards sa nakaraang USTV Awards. Tinanghal na Student’s Choice of Local News &Current Affairs Program ang “24 Oras,“ Student’s Choice of Female News &Current Affairs Host si Jessica Soho, Student’s Choice of Magazine Program ang “Kapuso Mo, Jessica Soho, Best Documentary Program ang “I-Witness,“ at Best Public Affairs Program ang “Wish Ko Lang.“

Tinanghal namang Best Situational Comedy Program ang “Pepito Manaloto,“ Best Gag Show ang “Bubble Gang“ at Best Variety Show ang “Eat Bulaga.“

Incoming search terms:

  • alden richards butt (3)
  • alden richard butt (2)
comments