“You have to be single minded, drive only for one thing on which you have decided. And if it looks as if you might be getting there, all kinds of people, including some you thought were your loyal friends, will suddenly show up to trip you, blacken you and break your spirit.”
Ang paliwanag sa itaas ay sinulat ni John R. Noe. Kailangan ay isa lamang ang nakalaman sa ating isip – ang ating mithi ay gagawa tayo ng mga paraan na ating ikatatagumpay.
Ito ang sinulat ni Paul Harvey:
“I hope someday to have so much of what the world calls success, that people will ask me.” What’s your secret? And I will tell them, “I just get up again when I fall down.”
Iyong pagbangon kapag nadapa ay isang magandang tanda na tayo ay may malakas at matinding pagnanais na lumaban sa lahat ng mga sagabal makamit lamang natin ang ating pangarap.
May isang maikling artikulo na pinamagatan ng awtor, “Determination of a Champion.”
Ito ay istorya ni Sylvester Stallone na tulad ni Nora Aunor noon ay tinawag na “phenomenal star.”
Noong maliit pa si Sylvester ay laging binubugbog siya ng kanyang ama at tinatawag na “bobo.” Para sa kanyang ama ay walang pag-asa si Sylvester sa buhay.
Dahil sa ginagawa na kalupitan ng kanyang ama ay lumaking “loner” o laging nag-iisa at hindi siya masaya.
Laging palipat-lipat si Sylvester ng mga paaralan at malimit ay hindi siya nakakapasok dahil sa kawalan ng pera.
Noong magkaroon ng “aptitude test” ay lumabas na ang talino ay naroon sa pagkumpuni ng mga sirang elevator.
Naisipan ni Sylvester na maging artista sa pelikula. Dahil sa kanyang pinagdaanang magulong buhay ay naging bigo siya sa pagiging aktor.
Sinubok ni Sylvester ang pagsusulat ng script na pampelikula. Ganoon din ang nangyari. Hindi mabili ng mga producer ang kanyang mga sinulat dahil walang buhay at walang magandang masasabi.
Ginawa niyang tuntungan ang lahat niyang kabiguan.
Ganyang ang sinulat ni Jim Rohn:
“When you know what you want and you want it badly enough, you will find the ways to get it.”
Isang gabi ay pinanood ni Sylvester ang laban nina Muhammed Ali at Chuck Wepner. Pinag-aralan ni Sylvester ang reaksyong ng mga manonood sa talunang boksingero.
Nagkaroon ng inspirasyon si Sylvester. Noong gabing iyon ay naisulat niya ang buong “story line” sa loob ng tatlong oras at kalahati.
Noon isinilang ang Rocky I.
Incoming search terms:
- maikling artikulo (20)

