Home » Lakbay Diwa » Kapag may nahihingahan

Kapag may nahihingahan

Friendships are the
hearts of library.
The serious friend
is the book of philosophy;
The merry friend,
the book of humor;
And there are the poet,
the author
and the historian
still to be represented.

Ang magkaroon ng isang tunay na kaibigan ay isang kayamanan.

Ang isang tunay na kaibigan ay nasa tabi natin hindi lamang sa oras ng kaligayahan kundi sa oras din ng kagipitan.

Ang sarap mabuhay ng may mga tapat kang kaibigan dahil sila ang nagdadagdag saya at kulay sa ating simpleng buhay.

Gumagaan ang mga dalahin kapag may nahihingahan tayo ng ating hinanakit at sama ng loob.

Narito ang istorya ng dalawang magkaibigan na nagkahiwalay simula nang mag-asawa silang pareho.

Si Rosie ay gumanda ang buhay nang buksan nila ng kanyang asawa ang negosyo nilang damit pang export.

Si Nenita naman ay nagkahiraphirap nang maaksidente ang asawa nito sa trabaho. Malaki ang kanilang nagastos na hindi binabayaran ng kompanya.

Pagkaraan ng isang taon ay namatay si Adonis. Iisa ang naging anak nina Nenita at Adonis. Siya ay si Anna. Labing-anim na taon at katatapos lamang sa haiskul.

Naisanla na nila ang kanilang tinitirhang bahay sa Cebu. At tiyak na matitigil sa pag-aaral si Anna.

Walang malapitang kamag-anak si Nenita pagkat isa lamang siyang ampon. Hindi rin sila matulungan ng mga kamag-anak ni Adonis pagkat hirap din ang mga kapatid nito sa buhay.

Ngunit sa kanyang puso ay may inaalagaan siyang kaibigan na si Rosie.

Minsan ay nagkaroon sila ng excursion sa Cavite ay muntik nang malunod si Rosie kung hindi lamang niya ito nailigtas ay siguradong wala na ngayon si Rosie. Ganoon na lamang ang pasasalamat ng mga magulang ni Rosie kay Nenita.

Naalala ni Nenita ang kanyang kaibigang si Rosie. Nagpadala siya ng telegrama sa kanyang kaibigan upang humingi ng tulong.

At pagkaraan ng isang linggo ay hindi akalain ng mag-ina na naroon na ang kaibigan niya sa kanilang bahay. Sila ay kukunin na ni Rosie upang sa kanila na tumira.

Ito ang sinulat ni Cicero:

“Ah, there is no other stimulate help meet. Joygiver and saviour than a true friend in need.”