Home » Timing » TJ worried for manager Annabelle

TJ worried for manager Annabelle

Manila, Philippines – WORRIED si TJ Trinidad for his manager, Annabelle Rama, sa isyu nito at kay Nadia Montenegro. Sana raw ay magpahinga muna si Annabelle sa mga kontrobersiya, natatawa niyang sabi. “Ano lang, it’s sad, it’s unfortunate na may alitan sila ni Nadia. Kasi you know, people… kahit sabihing, it’s okey na may controversy, parang may threshold ‘yan, eh! It takes a toll on a person. Sana tumigil na muna,“ words to that effect na sabi ni TJ in a talk to him sa presscon ng “The Road.“

Naaway na ba siya ni Annabelle? Hindi pa, ayon kay TJ. Aniya, pag nagagalit ito, pag naguusap sila at pag may opinion siya, open si Annabelle sa mga sinasabi niya, ani TJ. Iniintindi rin niya ang mga sinasabi nito sa kanya.

“Iba siya off-camera, para sa akin ha? Iba siya sa nai-imagine n’yo o napapanood sa TV na malakas ang boses o sumisigaw,“ ani TJ.

He is in a relationship now at non-showbiz ang kanyang girlfriend. Ayon kay TJ, hindi selosa, very supportive, understanding and secure lady ito. Matagal-tagal na rin ang kanilang relasyon at napag-uusapan na nila ang kanilang wedding plans.

Ipinagdarasal
Katribo na nina Ellen Adarna at Jackie Forster si Maribel Lopez sa “Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.“ Parehas silang asar kay Maribel at hindi nila feel na kasama nila ito sa kanilang tribo. Aware naman si Maribel na ayaw sa kanya ng dalawa at ayaw nga niyang kausapin ang mga ito.

Ayon kay Jackie, noong nasa isla sila sa Palawan, talagang sumama ang loob niya kay Maribel. Ang dami raw kasi nitong ginawa at sinabing hindi maganda.

Aniya pa, noong una, akala niya’y ang ex-husband niyang si Benjie Paras ang makaka-tandem niya sa SPCDS. Naisip niyang pagkakataon na sana para maayos at maging okey sila ni Benjie. Umasa rin si Jackie na makikita na rin niya ang dalawang anak niya kay Benjie. Matagal na raw niyang ipinagdarasal ‘yon.

For some reasons, either personal or whatever, tumanggi si Benjie at inintindi na lang niya ito, ani Jackie. May ibang asawa na ito at baka raw ayaw ng misis nito. May iba na ring asawa si Jackie, isang Dutch national businessman at meron na silang anak na babae. Naka-base sila sa Singapore. Birthday ni Jackie noong Nov. 23 kaya umuwi muna siya sa Singapore at babalik siya sa Pilipinas next month.

Binantaan
It took four months bago nakumbinse ni Ellen Adarna na magjoin sa “Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown“ ang boyfriend niyang si Filo Cucueco. Binantaan niya ito na kapag hindi ito nag-join, maghahanap siya ng proxy boyfriend.

May family business si Filo, construction at publishing at tumutulong siya sa pamamahala nito. Si Ellen naman ay FHM cover girl at Number 10 sa Sexiest Filipina list ng FHM this year. Mainstay siya sa “Bubble Gang.“ Lumabas din siya sa “Captain Barbell.“ Nagkakilala sila ni Filo thru common friends at over a year na ang kanilang relasyon. Plano nilang magpakasal three years from now kapag 25 years old na si Ellen.

Anila, noong nasa isla sila sa Palawan, nagkaroon sila ng strongest bond, ever. Para silang best friends na mag-dyowa. Walang drama at mas tumibay ang kanilang relasyon. Kahit nahirapan sila sa mga challenge, nagenjoy sila.

Incoming search terms:

  • filo cucueco business
  • filo cucueco business?