Home » Timing » Derek magiging Kapatid na rin?

Derek magiging Kapatid na rin?

Manila, Philippines – GUESSING game naman ngayon kung lilipat ba o hindi sa TV5 si Derek Ramsay. Wala pang confirmation o denial mula sa kampo ng hunk actor hinggil dito. Pero may tsikang diumano, early next year ang lipat ni Derek sa Kapatid Network.

Balita pa ring diumano, P100 million ang nakalatag na offer sa aktor. By the way, naoperahan si Derek dahil naaksidente siya nitong nakaraang laro niya sa Frisbee tournament. Nabali ang braso niya. A few years back, naaksidente rin si Derek at naapektuhan ang tuhod niya. Naipaopera na kaya niya ‘yon?

Masakit
Sa Linggo (Dec. 4) ang libing ng mother ni Jake Vargas na si Magdalena. Hinihintay pa kasi ang isang kapatid nito na manggagaling sa Canada. Nakaburol ang labi ng mama ni Jake sa bahay nila sa Olongapo. Dumating noong unang gabi ng lamay si Bea Binene at ang mga kasamahan nilang GMA Tween stars.

Nakansela ang taping ng “Reel Love Presents: Tweenhearts“ last Monday (Nov. 28) sa Star City. Hindi kayang mag-taping ni Jake dahil siya ang punongabala sa pag-aasikaso sa burol ng kanyang mama. Kahit naihanda na ni Jake ang kalooban sa pagpanaw ng kanyang mama na apat na taong nakipaglaban sa colon cancer, still, masakit pa ring tanggapin ng Tween actor na wala na ito.

Sa pagpanaw ng kanyang mama, lalong may paghuhugutan ng emosyon si Jake sa madadra ma niyang eksena sa mga proj ect na gagawin niya. Pang-pito si Jake sa siyam na magkakapatid at siya ang family breadwinner.

Di affected
Hindi affected ang protégé na si Kenneth Monico sa bading issue sa kanya. Aniya noong nakausap namin siya during break ng re hearsal nila sa “Protégé: Battle for the Big Break“ sa SM Fairview, more than anybody else, siya ang higit na nakakakilala sa sarili niya at kung ano siya.

Taga-Cabanatuan si Kenneth at si Jay-R ang mentor niya. Tampu-tampuhan siya noon kay Jay-R dahil feeling niya, hindi siya nito sinusuportahan sa kanyang “Protégé“ journey. Later, na-realize niya na gusto lang ni Jay-R na huwag siyang masyadong magde-depend sa kanyang mentor.

“Sabi ni Kuya Jay-R, tinuturuan lang niya akong maging independent at gumawa ng sarili kong diskarte. Gano’n daw kasi siya noong nag-uumpisa pa lang siya sa showbiz. Naintindihan ko naman siya,“ ani Kenneth.

Aniya pa, dahil sa sobrang stress at tension sa pinagdaraanan niya sa competition, madalas siyang magkasakit. Bawal ang cellphone, Internet, gadgets sa loob ng hotel na tinutuluyan nila habang ongoing pa ang “Protégé“ competition. Ayon pa kay Kenneth, hindi talaga maiwasan ng mga protégé na mag-awayaway dahil magkakaiba sila ng ugali at personalidad.