Home » Entertainment » Carla: No to leaving GMA

Carla: No to leaving GMA

 

Manila, Philippines – THREE months na lang at matatapos na ang network contract ni Carla Abellana sa GMA-7. Aniya nang nakausap ng Tempo at ilang entertainment writers sa taping ng “Kung Aagawin Mo ang Langit,” may offer ang ibang network at pinag-iisipan pa ng manager niyang si Arnold Vegafria kung ililipat siya.

“Ayokong lumipat. Aawayin ko si Arnold kapag ginawa niya ‘yon. Mas gusto ko sa GMA dahil dito ako nagsimula. Three years na ako bilang Kapuso. Dito ako unang nabigyan ng break. Pinagkatiwalaan ako ng network,“ pahayag ni Carla.

Isa pang factor kung bakit ayaw niyang umalis sa GMA ay ayaw niyang iwan ang boyfriend niyang si Geoff Eigenmann.Gusto ni Carla na magkasama sila sa isang network. Pero hindi naman daw siya pinipigilan o pipigilan ni Geoff, just in case lumipat siya sa ibang network,ani Carla.

“Hindi naman ako basta sa pera lang tumitingin o dapat kong maging consideration. Siyempre, iba `yung kung saan ako magiging masaya magtrabaho at kung sino-sino ang makakasama ko. I’m happy with GMA,“ she said.

Masaya ba ang puso niya ngayon? “Oo naman. Masayang-masaya ako with Geoff. Pero hindi pa namin napaguusapan ang pagpapakasal. Career muna ang focus namin. May bagong teleserye si Geoff, “Legacy“ with Heart Evangelista. Okey lang `yon sa akin. Hindi ako magseselos kay Heart. Gusto ko ngang dumalaw sa taping nila kapag nag-umpisa na sila. Parehas naman kami ng direktor. Si Direk Jay Altarejos din ang direktor namin sa “Kung Aagawin Mo Ang Langit.“ So, I guess papayagan niya ako dumalaw sa taping ni Geoff (laughs),“ani Carla. (Rowena Agilada)

comments
  • ANTITV5GMA7

    carla,,,, lumipatka na sa ibang network….. walang kwenta ang gma,,, puro yabang,,,,utak ratings at ratings lang….. hahahahahahahahaha f… you gma,,,, atty gozon,,,,,, madaya ka,,,, gma withdraws kbp noong 2003 pa…..gusto daming commercials….. pweee,,,,, gagong gozon ito….. hahahahaha