Home » Timing » Heart sacked from ‘Sundo’ but gets lead role in ‘Legacy’

Heart sacked from ‘Sundo’ but gets lead role in ‘Legacy’

by ROWENA AGILADA

MANILA, Philippines – ANO kaya ang reaction ni Iza Calzado sa bansag sa kanya ngayon na Replacement Queen?

Sa “I Heart You Pare,” pinalitan niya si Regine Velasquez noong nabuntis ito. Good replacement naman si Iza at na-keri niya ang bading-badingan role. Panalo siya!

Sa “In the Limelight,” heard na si Iza ang ipinalit kay Rhian Ramos. Nag-quit ang huli sa naturang showbiz program ng GMA News TV dahil hindi na raw kakayanin ng schedule niya.

Magsisimula na si Rhian ng bagong primetime teleserye niya sa GMA-7. Si Dingdong Dantes ang kanyang makakapareha. Second time ni Rhian to work with Dingdong na nakasama niya sa “Stairway to Heaven.”

Tentatively titled “Sundo” ang gagawin nilang teleserye sa GMA-7. Si Heart Evangelista sana ang makakasama ni Dingdong. Dahil sa naging rift nina Heart at Marian Rivera, inalis sa cast si Heart.

May gagawin ding Valentine movie si Rhian with Aljur Abrenica.

Reunited

Binigyan naman ng Kapuso Network si Heart ng ibang project. Titled “The Legacy,” makakasama niya sina Geoff Eigenmann, Sid Lucero at Lovi Poe. Patunay na hindi totoo ang tsikang babalik sa ABS-CBN si Heart.

Nagkaroon ng gano’ng ispekulasyon nang dumalo ang dalaga sa Star Magic ball. Ani Heart, may nag-imbita sa kanya kaya nagpunta siya.

It is interesting to note na dating magka-love team sina Heart at Geoff noong parehas silang nasa Kapamilya Network. Siguro naman, hindi magseselos ang kanilang respective real-life partners na sina Daniel Matsunaga at Carla Abellana.

May tsikang diumano’y nagkakalabuan na ang relasyon nina Heart at Daniel. Sa isang interbyu, pinabulaanan ito ng Brazilian model-turned-actor. Still together pa raw sila ni Heart.

It is also interesting to note na ang dating ka-close ni Marian Rivera na si Lovi ay makakatrabaho ni Heart. Nagkasama sina Marian at Lovi sa “Show Me Da Manny” at doon sila naging close friends.

Noong nagkaroon ng conflict sina Marian at Heart Evangelista, tikom ang bibig ni Lovi at hindi nagawang ipagtanggol si Marian kahit naging saksi siya sa airport incident. Maging noong nasa Laoag, Ilocos Norte sila kung saan sila nag-shoot ng “Temptation Island.”

Sa showbiz talaga, there are no permanent friends, no permanent enemies.

For show lang

For show lang ang pakilig moments nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia noong nag-guest ang huli sa “Showbiz Central.” Kesyo ang kanta pa ni Patrick for Jen ay “If Ever I’m in Your Arms Again” at si Jen naman ay “Maybe This Time.”

May current apple of his eye si Patrick na ang initials ng girl ay N.M. Noong nainterbyu namin ang aktor sa taping ng “Iglot” at sumunod sa presscon nito, sinabi niyang single pa rin siya. Echos lang pala niya ’yon.

Kaya pala nang tanungin namin si Patrick kung may balak ba siyang manligaw muli kay Glaiza de Castro, napangiti lang siya at speechless. We reminded him ng sinabi niya noon na kaya hindi siya nag-pursue sa panliligaw kay Glaiza ay dahil gusto muna niyang ayusin ang kanyang buhay.

That time, magulo pa ang mundo ni Patrick dahil katindihan ng galit sa kanya ni Jen. For the longest time, ipinagkait ni Jen na makita ni Patrick ang love child nilang si Alex Jazz.

Now, all’s well between Patrick and Jen. She has Luis Manzano at exclusively dating sila. May nagpapasaya na rin ngayon ng puso ni Patrick. Okey, fine!

comments