Home » Timing » Melanie dapat daw humingi ng bahay kay Sen. Lito Lapid

Melanie dapat daw humingi ng bahay kay Sen. Lito Lapid

MANILA, Philippines – Hindi naman masama kung totoong nanghihingi si Melanie Marquez ng bahay kay Sen. Lito Lapid para sa anak nilang si Manuelito.

Si Sen. Lapid ang biological father ni Manuelito at ina-acknowledge naman niyang anak niya ito. Never naman tinalikuran ni Sen. Lapid ang tungkulin niya bilang ama ni Manuelito. Pinag-aral pa niya ito sa ibang bansa at nagtatrabaho na ito ngayon.

Magka-birthday pa ang magama na parehas August 21 ang birthdate. Maganda sanang birthday gift ni Sen. Lapid kay Manuelito kung bibigyan nga niya ito ng bahay. Can afford naman siyang regaluhan ng house ang anak nila ni Melanie.

May bago na namang ‘kaaliw na sinabi si Melanie noong nagguest siya sa Sunday show ni Vice Ganda.

Sabi ba naman ng dating Ms. International, kahit pa raw hindi magsuot ng signatorial (sa halip na signature) brand ang isang tao, basta keri nito, magmumukha na ring mamahalin ang suot. Siya nga raw ay namimili sa Divisoria. Maloka-loka talaga si Vice sa narinig niyang sinabi ni Melanie. Ibang klase siya talaga, ano?

Sey pa ni Melanie, hindi kailangang mahusay magsalita ng English ang isang tao para maging successful. Nasa diskarte daw ‘yon. Come to think of it, may point siya. Naging successful international model nga naman si Melanie at naging Miss International pa.

Not true!

Malabong bumalik sa Kapamilya Network si Patrick Garcia. May lumulutang kasing tsika na diumano, magbabalik-ABS-CBN ang aktor. Mariing pinabulaanan ito ni Patrick. Aniya, may existing contract pa siya sa GMA-7.

May gagawin nga siyang teleserye sa Kapuso Network. Kasama siya sa “Iglot” with Claudine Barretto, Jolina Magdangal, Marvin Agustin, among others.

Sey ni Patrick, he doesn’t want to burn bridges at kung saan siya masaya at kung saan siya may trabaho, doon siya. He stressed na walang bad blood between him and ABS-CBN noong lumipat siya sa GMA-7.

Noong natapos ang kontrata niya sa Kapamilya Network ay maayos siyang nagpaalam para subukan namang magtrabaho sa Kapuso Network. Sana nga raw ay wala nang network war para malayang makapagtrabaho sa iba’t ibang TV stations ang mga artistang gaya niya.

Isyu!

Pati ba naman presyo ng diamond earrings na birthday gift niJoshua Dionisio kay Barbie Forteza ay kinukuwestiyon pa ng ibang tao? Ginagawang isyu na kesyo hindi naman daw expensive dahil maliit lang ang pair of diamond earrings na regalo ni Joshua sa kanyang ka-love team.

So what? It’s not the price that counts but the thought, di ba? Hindi pa naman big star si Joshua na kumikita ng gano’n kalaki para mag-regalo siya ng mamahalin kay Barbie. Besides hindi pa sila officially together ni Barbie para magregalo si Joshua ng mamahalin.

‘Yung isa ngang aktor na kumikita ng malaki, hindi pa natin nabalitaang nag-regalo ng alahas sa girlfriend niyang singer-actress. Kuring (as in kuripot) kasi ang aktor.

Incoming search terms:

  • lito lapid and melanie marquez anak (1)