Home » Lakbay Diwa » Lutas na

Lutas na

Let nothing disturb Thee,
Nothing affright Thee,
All those are passing,
God never change,
Patient endurance
Attaineth to all things,
And nothing is wanting,
Alone God is sufficeth

MANILA, Philippines – Sinulat iyan ni Saint Teresa. Sapat na ang Panginoon ang tumulong sa atin.

Siya ang makapangyarihan sa lahat. Alam niya ang dapat at hindi dapat.

Sa Kanya lamang tayo lumapit at kalahati ng problema ay lutas na. Narito ang istorya ng mag-asawa na langit at lupa ang pagkakaiba sa kanilang pananalig sa Panginoon. Mula nang mabigo si Serafin sa hinihiling niya na gumaling ang kanyang ina sa sakit na kanser ay tumigil na siya sa pagdarasal.

Iyan ang dahilan kung bakit ayaw pakasal ni Serafin sa simbahan. Noong bumagsak si Serafin sa kanyang ginagawang gusali ay tatlong buwan siyang walang trabaho. Nakasemento ang kanyang braso at hirap na hirap ang buong mag-anak. Lima ang kanilang anak at hindi sapat ang kita ni Nelia sa pagtitinda ng mga gulay sa palengke.

Nagtiwala si Nelia sa Panginoon. Lagi niyang sinasabi kay Serafin na hindi sila pababayaan ng Panginoon. Noong matrangkaso si Nelia ay bumagsak ang langit sa mag-asawa. Lugaw ang ginawa nila sa kanilang huling bigas.

Sa likod nito ay naroon pa rin ang pananalig ni Nelia na hindi sila pababayaan ng Panginoon.

Biyernes noon. Hindi pumasok ang bunso, si Jenny pagkat wala silang almusal. Iyong ibang kapatid kahit hindi kumain ay pumasok pa din. Maya-maya ay tumahol ang kanilang aso. May kotseng tumigil.

Nasilip ni Jenny ang kanyang kaklase, si Vanessa na bumababa sa magarang kotse. Naroon ang kanyang Daddy na biyudo na. Ibinaba ng kanilang tsuper ang pagkaing nasa paper bag.

Nagpasalamat si Jenny kay Vanessa at sa ama nito. Nagpasalamat si Nelia sa Diyos na tumugon sa kanyang dalangin. Bago umalis ang ama ni Vanessa ay may sinabi ito kay Serafin: “Serafin, pagkagaling ng iyong braso ay bibigyan kita ng trabaho.” Mga luha ng pasasalamat ang tugon ni Serafin. Mula noon ay arawaraw nang nagsisimba si Serafin kasama ang kanyang anak. (Bella Angeles Abangan)

Incoming search terms:

  • lakbay diwa ni bella angeles abangan (165)
  • mga kwento ni bella angeles abangan (160)
  • lakbay diwa by bella angeles abangan (65)
  • halimbawa ng lakbay diwa ni bella angeles abangan (36)
  • lakbay diwa bella angeles abangan tempo (24)
comments